|
|
|
|
|
|
kowt.
"mangarap ka at abutin mo ito. wag mo sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta o mga lumilipad na ipis... kung may pagkukulang sayo ang magulang mo, pwede kang manisi at magrebelde, tumigil ka sa pag-aaral, mag drugs ka, magpakulay ng buhok sa kili-kili... sa bandang huli, ikaw din ang biktima... rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili..."
“Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”
“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?”
"hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"
“Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. Kaya nga ako nagsulat sa tagalog para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko”
“Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!”
“Ang tenga kapag pinag dikit korteng puso. Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal..”
“hindi ako takot na malaman ang pananaw nila, dahil sa huli opinyon ko rin naman ang masusunod..”
“minsan pla kelangan m rin ng lakas para savhing mahina ka..”
“Maraming bagay ang mahal 'pag wala kang pera..”
"Parang eskwelahan din ang buhay e. Marami kang pag-aaralan pero hinid naman lahat 'yon e importante at kailangan mong matutunan..”
"Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan yung sarili mo kung wala nang pwesto para sa 'yo, eh meron namang hagdan, ayaw mu lang pansinin.."
-Bob Ong
Sagot kay Bob Ong:
"Mapuno man ang elevator, sigurado namang babalik din ito, at darating ang panahon na makaksaky ka din."
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|